Labor Campaign: Issues and Demand!
Decent Work, Decent Life for All! Ipaglaban!
Mithiin ng bawat Pilipino ang isang “MARANGAL NA TRABAHO-MARANGAL NA BUHAY (MT-MB)”. Ito ang sumada ng ating nabalangkas na komprehensibong Workers Demand o aksyon-plataporma. Nakapaloob dito ang mga usapin ukol sa: Makataong pagtrato sa paggawa, Seguridad sa trabaho, sahod at benepisyong makakabuhay ng pamilya, karapatan sa pag-oorganisa, sama-samang pakikipagtawaran at pagkilos, usapin ng kawalan ng desenteng tahanan, mga kapatid natin sa industriya sa transportasyon at serbisyo. Usapin sa agrikultura at obligasyon ng ating pamahalaan sa serbisyong panlipunan at hustisya.
Ang Decent Work Agenda ay salig sa pandaigdigang deklarasyon sa karapatang pantao. Ang pundamental na prinsipyong ay nangailangan pang hintayin matapos ang World War ll, para sa pagdidiin noong 1948, para protektahan sa pamamagitan ng pag-adopt ng Freedom of Association Protection of the right to organize, 1948 (ILO Convention No. 87) ng apatnapung (40) bansa na noon ang siyang bumubuo ng kasapian ng ILO.
Ang sumunod na taon ay nakitaan ng pag-adopt sa ikalawang batayang instrumento kaugnay ng Freedon of Associstion na tinawag na, right to organize and collective bargaining, 1949 (ILO Convention No. 98). Ang ng Freedom of Association ay tinakda din sa Universal Declaration of Human Rights of 1948. Ito ay tinangkilik ng iba’t-ibang organisasyong pang-international at ngayon ay nakapaloob sa lahat ng mayor na mga kasulatan hinggil sa karapatang pantao.
Ang Decent Work Agenda na binalangkas ng International Labor Organization noong 1999. Ayon kay Juan Somavia, Director General ng ILO, “Ang pangunahing layunin ng ILO ay isulong ang oportunidad ng mga kababaihan at kalalakihan na makamit ang desente at produktibong paggawa sa kondisyong may kalayaan, pagkakpantay-pantay, seguridad at makataong didgnidad”.
“The primary goal of the ILO today is to promote opportunities for women and men to obtain decent and productive work, in conditions of freedom, equity, security and human dignity.” Juan Somavia, ILO Director-General. In the final outcome statement of the UN World Summit in September 2005, 150 global leaders agreed to place full and productive employment and decent work as a central objective of relevant national and international policies.
Ang mga batayang prinsipyo ukol sa Marangal na Trabaho at Marangal na Buhay ay malinaw na nakasaad sa State Policy on Labor Art. 13, Sec. 3 ng ating 1987 (Peoples Power) Philippines Constitution.
ON LABOR: Art. 13, Section 3: “The State shall afford full protection to labor, local and overseas, organize and unorganize, and promote full employment and equality of employment opportunities for all.” “It shall guarantee the rights of all workers to; Self Organization, Collective Bargaining and Negotiations, Peaceful Concerted Activities, including the right to Strike in accordance with law.
“They shall be entitled to; Security of Tenure, Human Conditions of Work and a Living Wage
“They shall; Participate in Policy and Decision Making Processes Affecting their Right and Benefits"
“The State shall promote the principle of SHARED RESPONSIBILITY between workers and employers and the preferential use of voluntary modes in settling disputes, including conciliation xxx…
“The State shall regulate the relation between workers and employers, recognizing; the right of labor to its just share in the fruits of production, and the rights of enterprise to reasonable return on investment, to expansion, and growth
Panukalang maisabatas ang mga sumusunod:
1. REGULAR NA EMPLEYO, HINDI KONTRAKTWAL AT TANGGALAN!
Rasyunale:
Sa Pilipinas, bago pa man ang P.D. 442 ay umiral na ang “LOC” sa anyo ng “CABO” na pamamaraan. Nalalagay sa P.D. 442 (Art. 106 to Art. 109) ang pahintulot ng job contracting/subcontracting, pero defined ang pagbabawal sa LOC at ibig sabihin ng LOC.
Ang pagpapahintulot sa job contracting at kahulugan at pagbabawal sa labor-only contracting ay nakasaad sa Sections 7, 8 at 9, Rule Vlll, Book lll Implementing Rule ng Art. 106 to 109 ng Labor Code:
Ang Section 7,8,9, Rule VIII, Book III, Implementing Rules ng Art 106-109 ng Labor Code ay inamyendahan ng Department Order No. 10 (DO No. 10) noong Mayo 30, 2001. Ang Department Order No. 10 ay nagpalawig pa sa maraming mga gawain na pinahintulutan na ipa- job contract (permissible), ayon ito sa Section 6. Kung kaya’t ang mga naunang guidelines ng Art. 106 -109 ay lalong pinalawak at pinalala ng Department Order (D,O,) No. 10 na umiral ng halos apat (4) na taon mula noong 1997 to 2001. Ayon sa Section 6 ng DO No.10:
Sa pag-iral ng Department Order No. 10, lumala at lumaganap ang malawakang kontraktuwalisasyon sa paggawa. Lumaganap din ang matinding pagtutol sa D.O. # 10 ng mga organisadong manggagawa. Kaya naobligang bawiin ito ng DOLE Secretary sa pamamagitan ng Department Order No. 3 noong May 8, 2001. Pinanatili ng DO No. 3 ang pagbabawal sa LOC at idinelegate sa Tripartite Industrial Peace Council (TIPC) ang paggawa ng bagong implementing rules sa Art. 106-109 na kailangan may konsultasyon sa lahat ng kaukulang sektor (partikular sa mga mangagawa at namumuhunan).
Matapos ang mga konsultasyon sa mga manggagawa at namumuhunan, nabuo ng TPIC ang bagong implementing rules sa Article 106-109 ng Labor Code. Kung kaya’t noong Pebrero 21, 2002 inilabas ni Secretary Patricia Sto. Tomas ang Department Order No. 18-02 (DO No. 18-02)
Ang kaibahan ng Sections 7 – 9, Rule Vlll Book lll sa DO # 18-02 ay: Una: Kailangan lamang iparehistro ang mga Manpower Agency sa DOLE. Magreklamo at patunayan na lamang kung LOC nga o hindi ang operasyon ng mga ito. Ikalawa: Kailangan ang Trilateral Relationship in Contracting Arrangements, ibig sabihin, may kontrata sa pagitan ng principal at contractor at kontrata sa pagitan ng kontraktor at kontraktwal na manggagawa. Pangatlo: Maraming mga ipinagbabawal (prohibitions) na nakasaad sa Section 6 ng DO 18-02:
Subalit ang probisyon sa mga prohibitions ay may butas. Kumbaga ibinigay ng kaliwa, kinuha naman ng kanan. Kailangan pang magreklamo, patunayan at husgahan ng Korte kung LOC nga o hindi ang ginagawang operasyon ng kumpanya o Manpower Agency. “Parang ibig sabihin pwedeng magsagawa ang mga kapitalista ng LOC. Huwag lang pahuhuli”. Napalabnaw na ang salitang LOC is prohibited by law. Ayon sa Section 7 ng DO No. 18-02:
Sa pag-iral ng DO 18-02 kasabay din na umiral ang RA No. 9178, na mas kilala na “Barangay Micro Business Enterprises” (BMBEs) Act of 2002, which aims to hasten the country's economic development and alleviate poverty by encouraging the formation and growth of BMBEs through the rationalization of bureaucratic requirements, the active support and assistance of government, and the granting of incentives and benefits to generate employment.
“One of the incentives granted to registered BMBEs is exemption from the coverage of the Minimum Wage Law. The Constitution and the Labor Code, however, mandate the State to regulate relations between workers and employers, recognizing the right of labor to its just share in the fruits of production and the right of enterprises to reasonable returns on investments, and to expansion and growth. Guided by this Constitutional provision, the workers and owners of BMBEs are encouraged to set mutually acceptable wage rates in their respective enterprises.”
Ang Art. 25 ng Labor Code = Karapatan ng mga pribadong sector na lumahok sa pagrerekrut at pagpapadala ng mga manggagawa sa abroad at lokal employment. Nagamit din ito ng mga kapitalista para ipalaganap ng kanilang mga Manpower Placement Agency ang LOC.
Pinalala pa ito ng D.O. # 10, at DO # 18-02 ngayon na pinaganda lang sa salita, pero kaya pa din ikutan at lusutan ng mga kapitalista ang LOC, Bawal daw ang LOC pero kailangan muna may magreklamo, patunayan at husgahan ng korte na LOC nga ang operasyon ng kumpanya at mga Manpower Agency’s.
Kung dati ay specific project o short term duration o seasonal employment lamang ang LOC. Sa ngayon laganap na ito sa mga Regular Job at Production Area ng mga kumpanya. Hindi na ginagalang at sinasalaula na ang Art. 280 at Art. 248 ng Labor Code at Art. 13, Sec. 3 ng 1987 Phils. Constitution.
Epektibo ding ginamit ng mga kapitalista ang D.O. # 10, 3 at 18-02 hindi lamang para makaiwas sa dagdag na sweldo at benepisyo ng manggagawa, kundi higit sa lahat, mahadlangan ang pagtatayo o pagsapi sa unyon o mga labor association ng mga manggagawa. Hindi na din iginalang ar nagging palamuti na lamang ang Art. 277 (c), Art. 211 ng Labor Code at Art 13, Sec. 3 ng ating 1987 Philippines Constitution.
Sa pag-iral ng mga DO’s ng DOLE Secretary (D.O. # 10, 3) at kasalukuyang DO 18-02 at RA No. 9178, na mas kilala na “Barangay Micro Business Enterprises” (BMBEs LAW) Act of 2002 ay nagresulta ng laganap na diskreminasyon sa pag-empleyo. Ginagawang hanap buhay na ng ilang indibidual na tao ang paghahanap ng empleyo o pamamasukan ng mga manggagawa. Laganap na ang mga LOC na labag sa Art. 106, 279, 280 ng Labor Code.. Dagdag pa, ang dami nang itinatakdang rekisito ng mga kapitalista/management sa pagtanggap ng empleyado. Nariyan ang Age Limit (18-25 year old), Personalidad (may itsura, matangkad, kaakit-akit) College Graduate. Talamak ang gawi ng mga kapitalistang ito sa area ng Calabarzon (mga Industrial Park/Centers) at mga Commercials Centers. Nawalan na ng saysay ang mga Konstitusyunal at Batayang Karapatan ng mga manggagawa
Dahil dito, dapat at napapanahon ng alisin ang mga DO’s ng DOLE Secretary (D.O. # 10, 3, 18-02 at RA No. 9178) na mas kilala na “Barangay Micro Business Enterprises” (BMBEs LAW) Act of 2002 at magsabatas ng klaro at malinaw na Enabling Law sa Art. 280 at Art. 106 ng ating Labor Code.
1. Ibatay sa uri ng trabahong kailangan gampanan ng empleyado ang pagtanggap.
2. Kapag Karaniwan, Natatangi at Kinakailangan sa arawang negosyo ng kompanya ang uri ng trabahong ginagampanang ng isang empleyado, Dapat, Regular na Empleyado ang kategorya niya sa trabaho. xxx an employment shall be deemed to be regular where the employees has been engaged to perform activities which are usually necessary or desirable in the usual business or trade of the employer xxx Art. 280 Labor Code.
3. Isagawa ang Quarterly Inspection sa lahat ng mga kumpanya/stablishment ng kinatawan ng DOLE at Leaders ng Organisasyon ng mga manggagawa na Sesertipikahan ng DOLE-Dir. as Inspector.
4. Ganap at walang pasubaling ipagbawal ang LOC. Parusang (Multang P100,000.00 at hindi bababa sa anim (6) na buwan pagkabilanggo at hindi lalagpas sa isang (1) taon) sa mga kapitalista agency at principal employer na napatunayang nagsasagawa ng LOC. XXX There is “Labor only” contracting where the person supplying workers to an employer does not have substantial capital or investment in the form of tools, equipment, machineries, work premises, among others, and the workers recruited an placed by such person are performing activities which are directly related to the principal business of such employer XXX Art. 106 Labor Code.
5. Ang sinumang manggagawa/empleyado na mag-organisa, sumali sa unyon o gumaganap ng union activities ay hindi dapat kasuhan ng employer. Maliban kung may malinaw na kaso ng abandonment of work.. xxx Any employees, whethere employed for a definite period or not, shall begining on his first day of service, be considered an employee for purposes of membership in any labor union. Xxx Art. 277 © Labor Code.
6. Gawing tatlong (3) taon na lamang ang kontrata sa CBA at representasyon ng unyon bilang SEBA. At magkaroon ng mandatory RE-CBA Negotiation o Wage Adjustment, batay sa % na itinaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
2. Karapatan sa tamang pasahod at benepisyo: Living Wage Isabatas. BUWAGIN ANG MGA REGIONAL WAGE BOARD!
Rasyunale:
Noong Dekada 70-80 sa panahon ng Pasistang Diktadurang Marcos (Martial Law), bawal ang mag-unyon at mag-welga, maging ang mga pagtitipon. Gayunpaman, ang paraan ng pagtatakda ng Minimum na pasahod ng mga manggagawang Pilipino ay pambansa ang katangian at saklaw. Sa pamamagitan ng mga Presidential Degree at mga Executive Orders.
Feb. 22-26, 1986, sa pamamagitan ng Peoples Power o Edsa Revolution. Bumagsak ang diktadurang pamahalaan ni Marcos at iniluklok ng Peoples Power si Ginang Cory Aquino. Asawa ng Pinaslang na si Ninoy Aquino. Ideniklarang Provisional Revolutionary Government (PRG) ang pangangasiwa sa bansang Pilipinas.
Upang makabuo ng bagong saligang batas ang PRG, nagpatawag ng Con-Com si Ginang Cory Aquino upang balangkasin ang bagong Kontitusyon at pinagtibay ito sa pamamagitan ng national referendum noong 1987.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagamit ng mga manggagawang pilipino ang konstitusyunal na karapatang sinasaad ng 1987 Philippines Constitution. Upang obligahin ang Kongreso na magsabatas ng dagdag na sahod. Sa pamamagitan ng 5 araw na General. Industrial Strike ng mga manggagawa ng NCR noong 1987, pinagtibay ang Republic Act (R.A.) 6040 na nagtataas ng P25.00 wage increase, nationwide across the board with out ceiling..
Ngunit, noong 1988-1989, sa kasagsagan ng mga Kudeta, naipuslit ng kongreso sa pangunguna ni Ernesto “Boy” Herrera (Secretary General ng TUCP at Congressman) ang kanyang Herrera Law na tinawag na Republic Act. R.A. 6727 at R. A. 6715. Nag-aatas na dagdagan ang minimum wage ng halagang P20.00. Kasabay na isinabatas ang Regionalization wage fixing o wage rationalization Act noong June 9, 1989..
Taong 1989 nagsimula ang mga Regional Wage Board.. 2010 na tayo ngayon. Ibig sabihin halos 21 years ng umiiral ang mga RWB. Pero nasa Wage Order # 14 lamang tayo ngayon sa NCR at ibang rehiyon. Dito sa rehiyon 4-A CALABARZON AREA na halos 65% ng export ng bansa ay narito, highly industrialize, pugad ng mga kompanyang multi-national corporation at trans-national corporation ay nasa P298.00 – P320.00 ang minimum wage. Samantala sa NCR ay P404.00 ang minimum wage.
Malinaw kung gayun na ang mga Wage Order ng mga RWB ay salamangka, hindi lamang layuning bawasan o pababain ang minimum wage ng mga manggagawa sa iba’t-iban rehiyon, kundi pag-away awayin nito ang mga manggagawa at ilagay nito sa panganib ang seguridad sa trabaho at karapatang mag-unyon at makipag-CBA ng mga manggagawa. Dahil sa pangyayaring ito, naiingganyo ang mga kapitalista na magpalipat lipat ng planta at operasyon kung saang rehiyon ang mas mababa ang minimum wage. Kasabay na palitan ang mga regular nilang empleyado ng mga kontraktwal, para pababain ang sweldo, wasakin ang mga union at bawiin ang mga naipanalo ng CBA ng mga manggagawa. Para masawata at mahadlang ang tahasang ataki sa kilusang paggawa, lutasin ito sa isang: Pagsasabatas ng living wage o sweldong makabubuhay ng pamilya. Tanggalin ang mga Regional Wage Boards at ibigay sa Kongreso ang pagtatakda ng living wage sa buong bansa batay sa consumers price index at daily cost of living.
3. MANDATORY TRUST FUND SA RETIREMENT, GRATUITY/SEPARATION PAY NG MGA MANGGAGAWA. ISABATAS!
Rasyunale:
Marami ng karanasan ang nangyayari na ang retirement benefit, gratuity/separation pay ng mga manggagawa ay nasasakripisyo kapag dumarating sa pagkalugi o pagsasara ng mga kumpanya. Ugali na ng mga kapitalista ang tumakas, takasan ang obligasyon sa kanyang mga manggagawa at gobyerno. Sa kabila na ang mga manggagawa ang araw araw na naghahabi ng makina, lumilikha ng produksyon at nagpalago sa negosyo ng kumpanya. Ang probisyong “Full protection on Labor at Equal share of the fruits of production” sa Art. 13, Sec. 3 ng 1987 Phils (Freedom) Constituition ay patay na letra na lamang. Dahil hindi ito natutupad. Tatlumpong (30) taon sa serbisyo ng kumpanya, pero walang nakuhang retirement benefit o separation pay.
Ilang halimbawa dito ang pagsasara ng Philippine Blomming Mills noong 1981. Hanggang sa ngayon walang nakuhang separation pay at retirement benefit ang 3,000 manggagawa. Ang Novelty Phils. Inc na nagsara noong September 28, 2003, mula sa DOLE-NLRC order na P295 milyon ay P20 milyon lamang ang nakuha ng 3,200 manggagawa. Dahil sa ang nabanggit na halaga na lamang ang natira sa mga ari-arian nito. Ang Gelmart Phils. Inc.na nagsara noong Octuber 22, 2006, hanggang sa ngayon ay hindi pa din nakukuha ang halagang P275 milyon para sa 2,600 manggagawa. Ilan lamang ito sa mga pabrika at manggagawang tinakasan ng mga kapitalista na hanggang sa kasalukuyan ay walang hustisya para sa kanila.
Para sa mapagpasyang paglutas nito, Isabatas ang Mandatory Trust Fund ng mga kapitalista sa Retirement/Gratuity at Separation Pay Benefit ng mga manggagawa/empleyado. Sa mga kumpanya/establishment na tumagal na ng isang (1) taon sa kanilang operation ay agad nang ilagak sa bangko (Trust Fund) ang Retirement, Separation Benefit ng kanyang mga empleyado/manggagawa. Upang hindi na maulit ang mga nabanggit na mga pangyayari sa itaas. Dapat ng lapatan ng mapagpasyang parusa ang mga kapitalistang lalabag dito. Gaya ng: Ang sinumang kapitalista na hindi tutupad nito ay agad na alisan ng prangkisa sa pag-nenegosyo at pagkabilanggo ng anim (6) na buwan hanggang isang (1) taon.
Dapat nakalagak sa bangko (Trust Fund) ang Retirement/Gratuity/Separation Pay Benefit ng Manggagawa. May interest. Ayon sa itinatakdang interest rate ng mga bangko. Hindi gagalawin o gagamitin sa operational capital ng kumpanya. Makukuha (iwi-withdraw lamang ito) kapag nagretero na ang empleyado, voluntary retirement, resignation, retrenchment, shutdown, closure na ng kumpanya.
Requirement para makuha ng mga manggagawa: 1) May Employment Certificate. 2) Residential Address Certificate. 3) Valid I.D.
4. UNEMPLOYMENT INSURANCE. ISABATAS!
Rasyunale:
Bago pa man pumutok ang GFC noong 2008 ay uso na ang unemployment insurance o Subsidy program & benefit sa mga manggagawang nawalan ng trabaho o walang trabaho ng mga gobyerno sa maraming mga bansa ng buong mundo. Sa Europe, United States, United Arab Emirets, Latin Amerika at Asya. Dito sa Asya halos Pilipinas na lamang ang walang programa ukol dito. Kung mayroon mang ayudang makukuha ang mga Displaced Workers sa ating pamahalaan ay panandalian, leaf service o pakitang tao lamang ng gobyerno.
Bakit ang ibat-ibang pamahalaan sa iba’t-ibang bansa ay nagpapatupad ng mga programa ukol sa unemployment insurance o subsidy sa mga manggagawang nawalan ng trabaho (Displaced Workers) o walang trabaho? Ayon sa ating pag-aaral, ipinatutupad o ginagawa ito ng kanilang pamahalaan bilang pagtupad sa “social obligation for social justice” ng kanilang pamahalaan. Pakikiisa din ito ng kanilang bansa sa pinagtibay na resolution ng International Labor Conference (ILO) Geneva Convention. Salig sa four pillar ng Decent Work Agenda ng ILO.
“Crisis, Having received the proposal made by the Conference Committee of the Whole on Crisis Reponses, Considering the important role that the Governing Body and the International Labour Office have in the implementation of resolutions adopted by the Conference, Having in mind the Decent Work Agenda and the Declaration on Social Justice for a Fair Globalization as ways of dealing with the social dimension of globalization, adopts, this......... day of June of the year two thousand and nine, the following resolution”.
Dahil dito, kung gayun; napapanahon ng mapagpasyang lutasin ng ating pamahalaan at mga kapitalista ang krisis na mismong likha nila, Napapanahon ng magsabatas ng UNEMPLOYMENT INSURANCE at konkretong programa ukol sa empleyo ang ating pamahalaan. Bilang panimulang solusyon ng ating pamahalaan sa patuloy na pagdami ng walang hanap buhay at kahirapan ng milyon milyon nating manggagawa at kababayan. UNEMPLOYMENT INSURANCE. ISABATAS NGAYON NA!
Ang benefit na makukuha: Ay katumbas ng Daily Minimum Wage
Covered Term of Benefit: Tatamasahin niya ito hanggang sa siya’y makakuha ng katumbas na empleyo.
Re-employment: Tutulungan siya ng lahat ng ahensya ng pamahalaan. Gaya ng DOLE, TESDA, POEA, NEDA, RTIPCs, LGUs na makahanap ng panibagong empleyo.
Requirment for availment: 1) May Employment Certificate. 2) Residential (Address) Certificate. 3) Valid I.D.
Penalty sa Lalabag: Parusang (Multang P100,000.00 at hindi bababa sa anim (6) na buwan pagkabilanggo at hindi lalagpas sa isang (1) taon) sa mga kapitalistang lalabag dito.