Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Martes, Pebrero 21 2012

ABANTE: Mga madre, labor group kinukulit si CJ sa $ account

http://www.abante.com.ph/issue/feb2012/news04.htm

Mga madre, labor group kinukulit si CJ sa $ account
Aries Cano/Juliet de Loza ng pahayagang ABANTE

Nakisali na rin sa panawagan ang Association of Major Religious Superiors of Women in the Philippines (AMRSWP) kay Chief Justice Renato Corona na pahintulutan nitong buksan ang kanyang dollar accounts para maibuyangyang ang katotohanan at mapatunayan sa sambayanan na wala itong itinatago.

Ayon pa sa mga madre, malaking katanungan kung ang temporary restraining order (TRO) na inisyu ng Supreme Court (SC) ay magbibigay-daan sa pagdiskubre sa katotohanan o paraan ng pagpi­gil sa pagsisiwalat nito.

Binakbakan din ng grupo ang Chief Justice sa kawalan umano ng “delicadeza” nang humirit ito ng proteksyon sa SC Justices na direktang nasa ilalim ng kanyang pamumuno.

“We therefore implore Chief Justice Renato Corona to listen to the stirrings of truth, justice and res­pect the Senate Court and the impeachment proceedings,” dagdag pa ng grupo.

Maging ang militanteng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) ay nakikalampag para maibu­yangyang sa publiko ang “lahat” ng bank records, kasama ang dollar ­accounts, hindi lang ni Corona kundi ng lahat ng government officials, kasama si Pangulong Benigno Aquino III.

“SALN is not enough! We demand the full disclosure of ALL bank records including dollar accounts by ALL government officials, not just Corona,” ayon kay BMP president Leody de Guzman.

0 (mga) puna:

Mag-post ng isang Puna

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Tungkol sa Akin

My Photo
Ang lumikha at nagmimintina ng blog na ito ay si Greg Bituin Jr., makata, manunulat, mananaliksik, aktibista, tagasalin at small-time pabliser ng mga aklat. Siya ang nagtatag at namamahala sa Aklatang Obrero Publishing Collective; kasaping tagapagtatag ng grupong MASO at PANITIK; dating opisyal ng aktibistang grupong Kalipunan ng Malayang Kabataan (Kamalayan); editor ng librong Maso - Katipunan ng Panitikan ng Manggagawa, Una, Ikalawa at Ikatlong Aklat; editor ng librong Komyun - Katipunan ng Panitikan ng Maralita, Una at Ikalawang Aklat; editor ng librong Tibak - Katipunan ng Panitikang Aktibista, Unang Aklat; managing editor ng dyaryong Taliba ng KPML; cultural and literary editor ng pahayagang Obrero ng sosyalistang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP); cultural and literary editor ng pahayagang Ang Sosyalista ng Partido Lakas ng Masa (PLM), dating editor ng magasing Maypagasa ng Sanlakas, atbp.

Mga tagasunod