Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Miyerkules, Nobyembre 21, 2012

pr - Itigil ang Paggamit sa Isyu ng Kalusugan Upang Ipuslit ang SIn Tax Bill


PRESS RELEASE
20 November 2012

Itigil ang Paggamit sa Isyu ng Kalusugan ng Taumbayan upang Ipuslit ang Batas sa Sin Tax, Giit ng mga Militante 

HINDI usaping pangkalusugan kundi karagdagang kita mula sa buwis na maaaring gamitin sa darating na eleksiyon ang nasa likod ng isinusulong na bersiyon ng ipinapanukalang Sin Tax ni Senador Franklin Drilon.

Limang libong manggagawa at maralitang taga-lungsod ang muling sumugod sa Senado upang igiit ang pagbasura sa nasabing panukala na naglalagay sa alanganin sa kabuhayan ng mahigit sa tatlong milyong manggagawa at magsasaka ng tabako at kanilang mga pamilya.

Taliwas sa ipinamumukhang Universal Healthcare Program na paglalaanan umano ng makokolektang karagdagang buwis sa alak at sigarilyo, ibinulgar ng Peoples Coalition Against Regressive Taxation (PCART) na panibago na naman itong dagdag pa sa pasanin ng mahihirap.

Kaya patuloy ang kanilang panawagan sa mga senador lalo na kay Sen. Drilon na ilantad na sa taumbayan ang tunay na dahilan kung bakit sila gigil na gigil sa buwis na makukuha sa alak at sigarilyo.

Ayon kay Gie Relova, secretary-general ng National Capital Region at Rizal chapter ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP-NCRR), "Paanong magiging numero unong tagasuporta ng programa sa kalusugan si Drilon gayu'ng siya pa ang gumigiit sa pagsasapribado ng mga pampublikong ospital?"

Matatandaang si Sen. Drilon ang awtor ng Senate Bill 3130 o National Government Hospital Corporate Restructuring na nagbibigay kalayaan sa mga ospital na magtaas ng singil sa kanilang serbisyo.

Kaugnay nito, dalawampu't anim na pampublikong ospital kabilang ang San Lazaro Hospital at Jose Reyes Memorial Medical Center, kapwa sa Maynila ang may ganito nang sistema.

Dagdag pa ni Relova, "Nailabas na sa media na naisama na ang nilulutong kuleksyon ng buwis mula sigarilyo't alak sa 2013 badyet na hindi na nagkataon nga lang ba election year."

"Kunsabagay, kailangan ng malaking pondo ang gobyerno para suportahan ang mga kandidato ng administrasyon. Madali naman pagdugtong-dugtongin ang mga kwento", ayon pa kay Relova.

Gayunman, sa mga mabibiktima ng Sin Tax, mulat na umano ang mga ito na walang anumang propaganda ang makapagtatago sa nakaambang masaker sa kabuhayan ng mga manggagawa't maralita. 

Iginiit ng BMP na kailangan tutukan na lamang ng Senado ang mga isyu na may depinidong at direktang mag-a-angat sa buhay at kabuhayan ng mga manggagawang Pilipino. Kailangan pagkunutan nang noo na lang mga Senador ang salot ng kontraktwalisasyon, krisis ng pabahay, ang lumalalang pagitan ng sahod ng manggagawa at ng presyo ng mga batayang pangangailangan at tumataas na presyo ng kuryente't tubig. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996