Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Biyernes, Nobyembre 9, 2012

ps - anti-Sin Tax Bill - tagalog statement


PRESS STATEMENT
09 November 2012

Militanteng Manggagawa Rinalihan ang Department of Finance 
para Ipanawagan ang Pagbabasura sa  Sin Tax at  
Pagtataas na Lamang ng Corporate Tax

Kinalampag ng mga galit na mga manggagawa kasama ang mga takatak vendor at mga may-ari ng sari-sari store sa ilalim ng Peoples Coalition Against Regressive Taxation (PCART) ang Department of Finance (DoF).  Kinundena nila ang DoF dahil sa kanyang patuloy na pag-e-engganyo sa Chairman ng Senate Ways and Means Committee na si Senador Franklin Drilon na ipatupad ang plano ng gobyerno na magpasulpot ng apatnapu hanggang apatnapu't-limang bilyong piso kada taon sa pamamagitan ng pagsasabatas ng panukalang Sin Tax sa mga produktong tabako at alkohol.

Binansagan ng mga militante ang DOF na bedugong ahensya na papatay sa kanilang mga hanapbuhay at kabuhayan. Iginiit din nila sa departamento na patawan na lamang ng buwis ang mga mayayaman at hindi ang maralita, isang sentral na prinsipyo sa pagbubuwis. Ang DOF ay ang pangunahing ahensya ng gobyerno na nagdisenyo at nangumbinsi sa mga mambabatas na isabatas ang isang bagong buwis sa para punuan ang kakulangan sa badyet ng gobyerno. 

Ayon kay Gie Relova, Secretary-General ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino-National Capital Region and Rizal chapter (BMP-NCRR),  "Ipinamamalas lamang ni Secretary Cesar Purisima ang kanyang kawalan ng puso sa mga manggagawa at magsasakang Pilipino dahil patuloy nitong itinutulak ang atrasado sistema ng pagbubuwis na dudurog sa hanapbuhay at kabuhayan ng mahigit tatlong milyong produktibong Pilipino habang patuloy na tumatabo ng bilyon-bilyong pisong tubo ang mga kapitalista". 

"Mga kapitalista't mangangalakal lamang ang dapat patawan ng buwis ng gobyerno at hindi ang buong publiko dahil lohikal lamang na sila ang may kapasidad na magbayad ng buwis hindi tulad ng mga manggagawa't magsasaka o mga ordinaryong mamimili. Ang kailangang gawin ng gobyerno ay magtaas na lamang ng corporate tax", dagdag ng lider-manggagawa. 


Habang para kay JC Gatungay, Chairperson ng Samahan ng mga Manininda sa Komunidad, isang organisasyon ng mga may-ari ng sari-sari store hindi sila kumbinsido sa panukalang Sin Tax dahil sa magka-kontrang programa ng gobyerno. Sa isang banda, gumagastos ng bilyong-bilyon piso ang gobyerno para isulong ang micro, small at medium enterprises o mga maliliit na negosyo habang kasabay ding isinusulong ang hindi makatarungang Sin Tax na siyang papatay sa mga estabilisado nang mga kabuhayan at lokal na industriya. 

Patuloy na giniit ng koalisyon ang kanilang panawagan na kailangan nang ibasura ang mga panukalang Sin Tax dahil sa atrasadong kalikasan nito at magiging pabigat lamang sa mga ordinaryong mamimili at hindi sa mga kapitalista ng tabako at alkohol.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996