Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Biyernes, Hulyo 1, 2016

Security of Tenure, Workers’ Rights and Welfare are non-negotiable

PRESS STATEMENT
July 1, 2016
Leody de Guzman (09205200672)
National President, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

Security of Tenure, Workers’ Rights and Welfare are non-negotiable:
No to a mere cap to ‘endo’
Yes to “Change is Coming”

In reaction to an earlier pronouncement by incoming Labor Secretary for limiting the employment of contractual labor to twenty percent (20%), the Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) would like to remind Silvestro Bello III that the workers’ rights and welfare are non-negotiable. 

We likewise oppose the blackmail line of “contractual employment or hunger by joblessness” that are issued by employers’ groups on the issue of contractualization. 

Our position is based on the following premises:

1) Placing a cap on contractual labor is not in the Labor Code, which clearly states that “usually and necessary labor” in the operations of a business should be performed by a regular employee (Article 280). It defines usually and necessary as the type of work performed for at least a year, whether continuous or broken. 

2) Bello’s proposal is likewise contrary and violative to the Constitution. While seemingly enabling the Constitutional right to security of tenure to a sizeable majority (80%) of the workforce, it institutionalizes its denial to two out of ten workers (20%). Where is the so-called “equal protection of law” in this patently anti-labor scheme?

3) The proposed cap on contractual labor is contrary to the “change is coming” mandate of the incoming Duterte administration. We want change. We want a labor market where workers’ rights and welfare are not threatened by contractualization. We expect it from a government that would side with the labor against capital, with the oppressed against the oppressors. Fence-sitting would not lead to change, it is business-as-usual for the unjust status quo. Bello must be reminded that the Duterte presidency rode on the crest of the people’s clamor for change by launching an all-out tirade against social ills, especially the lackluster and bungling elitist administration of Noynoy Aquino.

4) Putting an end to contractualization is not just a legal question on the Constitutional right to job security but a life-and-death issue for workers are forced to become cheap and docile due to the threat of unemployment, and in order for capital to gain higher profit margins. It is nothing but shameless and callous profiteering

Meanwhile, we condemn employers’ groups that justify contractualization by saying that it contributes to job generation. Your condescending excuses mock the dignity of labor. You are not in the business of providing us jobs to feed our families. Accumulation and competition are your masters. In their service, you have installed this regime of precarious and contractual work, that imposed starvation wages on hardworking Filipinos.

Mr. Sergio Ortiz of the Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) has correctly observed that combatting contractualization would be hard due to the high levels of unemployment. Of course, cut-throat competition among workers to sell their labor-power persists as long as the unemployed masses lines up at the factory gates. But it is precisely the reason why the Philippine state – abiding by its Constitutional mandate to provide full protection to labor – should uphold the interests of the workers lest they fall prey to the blackmail line of “low wages or hunger” by exploitative employers. 

Hence, we appeal to the incoming Duterte administration to be true to its mandate by implementing the harshness of the law on abusive capitalists in the same way that it now threatens the crime lords of the illegal drug trade. For an Executive Order against contractualization! Prohibit the contracting out of “usually necessary and desirable work”! Amend Articles 106 to 109 of the Labor Code! #

Seguridad sa Trabaho, Karapatan at Kagalingan ng Manggagawa ay Hindi Naaareglo:

Hindi sa simpleng panakip lang sa ‘endo’
OO sa “Pagdating ng Pagbabago” 

Bilang tugon sa maagang pahayag ng papasok na Kalihim ng Paggawa sa paglilimita ng pagtatrabaho ng kontraktwal na paggawa sa dalawampung bahagdan (20%), nais ipaalala ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) kay Silvestre Bello III na hindi naaareglo ang karapatan at kagalingan ng manggagawa.

Gayundin naman, tinututulan namin ang linyang panggigipit na “trabahong kontraktwal o kagutuman sa kawalan ng trabaho” na ipinahayag ng mga pangkat ng kapitalista hinggil sa isyu ng kontratwalisasyon.

Ang aming tindig ay batay sa sumusunod na mga kadahilanan:

1) Ang paglalagay ng panakip sa kontraktwal na paggawa ay wala sa Kodigo ng Paggawa, kung saan malinaw na nakasulat ang “karaniwan at kinakailangang paggawa” sa pagpapatakbo ng isang negosyo ay dapat gampanan ng isang regular na empleyado (Artikulo 280). Ipinaliliwanag nito ang karaniwan at kinakailangan bilang tipo ng paggawang ginagampanan sa loob man lang ng isang taon, ito man ay tuluyan o patlang-patlang.

2) Gayunman, ang panukala ni Bello ay salungat at labag sa Saligang Batas. Habang nakikitang nagagampanan ang Konstitusyonal na karapatan sa seguridad sa trabaho sa malawak na mayorya (80 bahagdan) ng pwersa ng mga nagtatrabaho, itinatatag nito ang pagkakaila sa dalawa sa sampung manggagawa (20%). Nasaan ang tinatawag na “pantay na karapatan sa batas” sa ganitong malinaw na pakanang laban sa paggawa?

3) Ang panukalang panakip sa kontraktwal na paggawa ay salungat sa mandatong “parating na ang pagbabado ng parating na administrasyong Duterte. Nais namin ay pagbabago. Nais namin ang isang merkado ng paggawa kung saan ang karapatan at kagalingan ng manggagawa ay hindi pinagbabantaan ng kontraktwalisasyon. Ang inaasahan namin sa isang pamahalaan ay ang pagpanig nito sa paggawa laban sa puhunan, sa panig ng inaapi laban sa mga mang-aapi. Ang pangingitlog sa bangko ay hindi tutungo sa pagbabago, ito’y karaniwang-pagnenegosyo-lang para sa mga di-makatarungang naghaharing kairalan. Dapat paalalahanan si Bello na ang panguluhang Duterte ay nakatungtong sa gulugod ng panawagang pagbabago ng sambayanan sa pamamagitan ng paglulunsad ng panlahatang panunuligsa laban sa mga sakit ng lipunan, lalo na ang  walang kinang at padaskul-daskol na elitistang administrasyon ng Noynoy Aquino.

4) Ang pagwawakas sa kontraktwalisasyon ay hindi lamang isang legal na usapin ng Konstitusyonal na karapatan sa seguridad sa trabaho subalit isang usaping buhay-at-kamatayan para sa mga manggagawang natutulak na maging mura at masunurin dahil sa banta ng kawalan ng trabaho, at upang makakuha ng mas mataas na tubo ang puhunan. Wala ito kundi kawalanghiyaan at kawalang-habag na pagkakamal ng tubo.

Samantala, kinukundena namin ang mga grupo ng kapitalistang binibigyang matuwid ang kontraktwalisasyon sa pamamagitan ng pagsasabing nakapag-aambag ito sa pagkakaroon ng trabaho. Ang pagpapakumbabang pagdadahilan ninyo ay mapangutya sa dignidad ng paggawa. Wala kayo sa katwirang bigyan kami ng trabaho upang mapakain ang aming pamilya. Ang pangangamkam at kumpetisyon ang inyong mga amo. Sa pagsisilbi sa kanila, inilagay ninyo ang rehimeng ito ng trabahong mabuway at kontraktwal, na iginigiit ang sahod na nakagugutom sa mga matitiyagang Pilipino.

Wastong naobserbahan ni Ginoong Sergio Ortiz ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na ang pagbaka sa kontraktwalisasyon ay mahirap dahil sa taas ng antas ng kawalan ng trabaho. Siyempre, ang mga mapanakal na kumpetisyon sa mismong mga manggagawa upang ibenta ang kanilang lakas-paggawa ay nagpapatuloy habang parami ng parami ang mga walang trabahong manggagawa sa tarangkahan ng mga pabrika. Ngunit ito ang tiyak na rason kung bakit ang estado ng Pilipinas – na sumusunod sa mandatong Konstitusyonal nito na bigyan ng buong proteksyon ang paggawa – ay nararapat panindigan ang interes ng mga manggagawa kung hindi’y mabibiktima sila ng palyadong linyang “mababang sahod o gutom” ng mga mapagsamantalang kapitalista.

Kaya, nananawagan kami sa parating na administrasyong Duterte na maging totoo sa mandato nitong ipatupad ng malupit ang batas hinggil sa mga abusadong kapitalista sa parehong paraan na sa ngayon ay pinagbabantaan ng mga panginoon ng krimen ng mga ilegal na kalakalan ng droga. Para sa isang Batas Ehekutibo laban sa kontraktwalisasyon! Ipagbawal ang pangongontrata ng “paggawang karaniwang kinakailangan at kalugod-lugod”! Amyendahan ang mga Artikulong 106-109 ng Kodigo ng Paggawa! #

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996