Mayorya ng mga pamilya ng manggagawa ay kumokonsumo ng mahigit 200 kwh kada buwan. Lalupa dahil ang "work from home" at "online schooling" ay pinatatakbo ng mga elektronikong mga kasangkapan.
Kaya kaunti lamang ang makikinabang sa advisory na ito ng ERC.
Ang panawagan ng manggagawa't mamamayan: (1) Moratorium sa bill shock, (2) Imbestigahan ang biglaang pagtaas sa singil ng Meralco sa panahon ng lockdown, (3) Huwag pahirapan ang hirap nang taumbayan dahil sa kawalan at kakapusan sa kabuhayan. (4) Parusahan ang mga negosyanteng sinasamantala ang pandemya at resesyon, (5) WALANG PUTULAN, TULOY ANG LABAN!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento