Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Martes, Disyembre 1, 2020

Palayin ang Cebu 5

Palayin ang Cebu 5 

Ang Bukluran ay nakikiisa sa panawagan para sa kagyat na pagpapalaya nila Dennis Derige, Myra Opada, Joksan Branzuela, Jonel Labrador at Cristito Pangan - mga organisador at manggagawang naglunsad ng protesta sa harap ng gate ng Mactan Economic Zone noong Araw ni Bonifacio. 

Ang kanilang pagkilos laban sa tanggalan at kontraktwalisasyon ay makatuwiran at makatarungan. Hindi katanggap-tanggap ang walang prosesong pagtatanggal sa mga manggagawa sa dahilan lamang ng pandemya at resesyon. Patunayan ng mga kapitalista na may kongkretong batayan at may proseso silang dinaanan bago sila magtanggal ng manggagawa. Usigin ang DOLE para tiyaking hindi ginagamit ng mga kapitalista ang nagaganap na krisis para lamang sa kagustuhan nilang alisin ang mga regular at palitan sila ng mas mura at mas maamong kontraktwal na manggagawa.  

Ang kanilang kilos-protesta ay ligal na ekspresyon ng kalayaan sa pagtitipon at pamamahayag. Malinaw ang kanilang pagsunod sa mga protocol ng IATF sa inilunsad na protesta. Kaya't hindi maaring gawing batayan ang "physical distancing" at kawalan ng proteksyon (face shield/mask) sa pagdakip sa kanila. 

Ang dispersal at pagkukulong ng PNP Mactan sa mga nagrali ay labag sa konstitusyon at karugtong ng tuloy-tuloy na atake ng rehimeng Duterte sa mga batayang karapatan ng manggagawa't mamamayan. Ang pagiging praning ng PNP ni Duterte sa lahat ng anyo ng pagbabatikos (sa kabila ng ipinagmamalaking 91% trust rating) ay pagtatangkang ikubli ang palpak na pagtugon ng rehimen sa mga krisis sa kalusugan, kabuhayan at kaligtasan bunga ng pandemya, resesyon, at mga kalamidad. 

Palayain ang mga ikinulong! Labanan ang tanggalan at kontraktwalisasyon! Mabuhay ang lumalabang mga manggagawa sa Mactan ecozone!

Pahayag
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
ika-1 ng Disyembre 2020

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996