Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Miyerkules, Abril 15, 2020

Pagpupugay kay ka Domeng

Pakikiramay sa naulilang kamag-anak, kaibigan, at kasama ni Ka Dominador Zapanta Espinoza. Dating pangulo ng Unyon ng Manggagawa sa Diamond Hotel noong dekada nobenta, nang nagretiro siya naglingkod naman siya bilang lider ng Welfareville People's Assembly sa Mandaluyong na kasapi ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lunsod (KPML). Naging sekretaryo rin siya ng Association of Senior Citizens sa Mandaluyong City, Brgy. Addition Hills Chapter.

Si Ka Domeng ay nagkaroon ng sintomas ng COVID-19 at naging PUI. Isa siya sa dumadaming Pilipino na pumanaw bago lumabas ang resulta ng test na magsasabi kung positibo ba sila sa COVID-19 o hindi.

Hinuhubaran ng kasulukuyang krisis ang mga kakulangan at kontradiksyon ng lipunan, kasama na ang healthcare system ng Pilipinas. Ilan pa ang kailangan mamatay bago natin matanto na bulok ang sistemang ito at kailangang baguhin?

Sa kanyang pagkilos, naintindihan ni Ka Domeng ang pangangailangan para sa tunay na pagbabago. Bilang lider manggagawa at maralitang lungsod, ipinaglaban niya ang karapatan ng manggagawa't maralita para sa mabuting panirahan, kabuhayan, at serbisyong panlipunan. Kamakailan lamang, kasama siyang manawagan at maningil sa gobyerno para sa libreng mass testing, pagkain, at ayudang sapat para sa lahat.

Makauring pagpupugay kay Kasamang Domeng!

Bigyang hustisya ang laban at buhay niya! Sama-sama tayong manawagan: Mass Testing Now! Sapat na Pagkain at Economic Relief, Ngayon Na!

(Si Ka Domeng ang nasa kanan ng litrato)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996