IBIGAY ANG 13TH MONTH PAY NG MGA MANGGAGAWA
Kaming mga manggagawa sa ilalim ng alyansang Win For Win - Southern Tagalog ay nagkakaisa sa pagtutol sa iminumungkahi ni DOLE Sec. Silvestre Bello para sa deferment ng 13th month pay o hindi pagkakaloob nito sa mga manggagawa bago sumapit ang kapaskuhan.
Samut-saring hirap ang dinaranas ng mga manggagawa lalo na ng pumasok ang pandemya kung saan marami ang nawalan ng trabaho. Nariyan na tanggalin sa trabaho dahil hindi makapasok bunga ng kawalan ng transportasyon, dinapuan ng sakit na COVID-19 hindi na pinabalik sa trabaho, nabawasan ng araw ng pasok o forced leaves, walang ayudang natanggap mula sa gobyerno at kapitalista, walang bayad pag nakasama sa contact tracing o quarantine pay, kapos na budget sa araw araw na pagpasok sa trabaho, walang mass testing at maayos na quarantine facility pag nagka-Covid, walang maayos na health care system, walang hazard pay at iba pa.
Hindi makatwiran ang hindi pagbibigay ng 13th month pay o pagdedelay nito dahil inaasahan ito ng mga manggagawa mula sa sakripisyong ibinigay nito sa kumpanya para sa kanyang pamilya. Matagal na itong tinatamasa at napagtagumpayang benepisyo ng mga manggagawa. Bukod pa dito ay malinaw na sinasabi sa batas na dapat bigyan ng 13th month pay o bonus ang mga manggagawa bago sumapit ang kapaskuhan.
Hindi lang ang mga namumuhunan ang naapektuhan ng kinakaharap na krisis kundi mas ang mga manggagawa ang lubos na naapektuhan ng krisis ng pandemya dulot ng sakit na COVID-19.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento