Solidaridad sa Mamamayan ng Thailand na Nakikibaka Para sa Demokrasya
——————
Mula Pebrero, umaagos ang mga protesta para sa demokrasya na pinangunahan ng mga estudyante sa buong Thailand. Pinagsanib nito ang bagong henerasyon ng mga aktibista mula sa dating "Red shirts" at sa mga diskontentong bahagi ng Yellow shirt movement.
Ang kanilang kahilingan: 1) ang pagbibitiw ng rehimeng Prayut, at ang paglulunsad ng bago, malaya, at patas na halalan; 2) mga demokratikong reporma sa konstitusyon; 3) mga reporma para ipasailalim sa batas ang monarkiya, alisin ang mga pribelehiyo nito, at wakasan ang paggamit sa mapanupil na "lese-majeste laws" na ginagamit para patahimikin ang lehitimong protesta.
Ang dating heneral at kasalukuyang prime minister na si Prayut Chan-O-Cha ay nagdeklara ng "malubhang" state of emergency noong Oktubre 15, na ipinagbabawal ang lahat ng pagtitipon ng mahigit lima (5) katao at ang "publikasyon ng mga balita, alternatibong midya, at iba pang elektronikong impormasyon na naglalaman ng mga mensaheng lumilikha ng takot o sadyang pagbabaluktot sa katotohanan at nagpapalubha sa di-pagkakasundo, na may epekto sa pambansang seguridad o sa kapayapaan at kaayusan".
Kasunod nito, ang pulis at militar ay inatasan para marahas na buwagin ang mga nagpoprotesta. Ang mga atake ng kapulisan sa nagaganap na mga pagkilos ay nagsimula noong Oktubre 13, kung kailan ang mga democracy activists ay dumating sa Bangkok, mula sa naghihirap na hilaga-silangang bahagi ng bansa, at nagtayo ng matitirhang tolda sa mga lansangan. Winasak ng mga pulis ang mga istrukturang ito at may dalawampung (20) tao na inaresto. Binuwag din ng mga pulis ang mga protesta sa Government Building noong madaling araw ng Oktubre 15.
May ilan nang mga tanyag na aktibista ang inaresto at may pag-aalalang lulubha pa ang panunupil.
Kami ay nakikiisa sa demokratikong kilusan sa Thailand at iginigiit ang sumusunod na kahilingan:
1) Ang kagyat na pagbawi sa "state of emergency" at ang pagkilala sa karapatang magprotesta;
2) Kagyat na pagpapalaya sa mga democracy movement activists at sa lahat ng bilanggong pulitikal;
3) Ang pagwawakas sa paghahari ng militar at sa paglulunsad ng malaya at patas na eleksyon para sa demokratikong pamahalaan;
4) Demokratikong pagbabago sa konstitusyon; at,
5) Abolisyon sa pyudal na kapangyarihan at sa mga mapanupil na batas kasama ang "lese-majeste laws" na nais patahimikin ang lehitimong protesta at pagpuna.
Nakalagda:
1. Partido Lakas ng Masa (PLM), Philippines
2. Socialist Party of Malaysia (PSM), Malaysia
3. North South Initiative, Malaysia
4. Sedane Labour Resource Centre (LIPS), Indonesia
5. Working People's Party (PRP), Indonesia
6. Socialist Alliance, Australia
7. Federation of Karya Utama Union (FSBKU), Indonesia
8. Communist Party of India (Marxist-Leninist) Liberation, India
9. BMP (Solidarity of Filipino Workers), Philippines
10. Sanlakas, Philippines
11. Partai Rakyat Demokratik (PRD), Indonesia
12. SPERBUPAS GSBI PT. Panarub Industri, Indonesia
13. Indonesia for Global Justice (IGJ), Indonesia
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento