Isulong ang makauring pagkakaisa ng manggagawa sa loob at labas ng bansa!
Higit sa 3000 OFW kada araw ang lumalabas ng bansa upang makipagsapalaran sa ibayong dagat. Gaya ng mga manggagawa sa loob ng bansa, ang ating mga kababayang OFW ay nakakaranas ng pang-aapi at hindi patas na pagtrato. Kawalan ng tamang sahod, paglabag sa kontrata, ang mga seskwal na pang-aabuso, lalo na sa mga kababaihang domestic worker, ay ilan lamang sa mga nararanasan ng ating mga kababayan. Hindi sana sila aalis ng ating bansa kung may sapat na empleo dito sa Pilipinas.
Ang agresibong polisya ng pagpapadala ng mga manggagawa sa labas ng bansa ng mga nagdaang administrasyon at ng kasalukuyang administrasyon ay patunay na ang patakaran ay kaalinsunod sa dikta ng Neo-Liberal na adyenda sa porma ng GATS mode 4 o tinatawag na Movement on Natural Persons, ang tao ay tinuturing na kalakal! Isang tradable goods! Ang kawalan ng panglipunang proteksiyon (social protection) para sa mga manggagawa ay patunay lamang na walang interes ang sistemang ito na ipaglaban ang karapatan ng mga mangagawa.
Tanging sa pagsusulong ng makauring pagkakaisa sa pagitan ng mga manggagawa sa loob at labas ng bansa makakamit ang tagumpay. Sa ika-20 taong anibersaryo ng BMP ay isang hamon na pagbuklurin ang mga manggagawa sa loob at labas ng bansa.
Muling Pagtibayin ang Kritik sa Kapitalismo, ang pamumuno ng manggagawa sa laban ng bayan at sosyalistang alternatiba!!!
Erwin R. Puhawan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento