Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Linggo, Setyembre 15, 2013

Mga Indibidwal na Mensahe sa ika-20 anibersaryo ng BMP

MGA INDIBIDWAL NA MENSAHE sa ika-20 anibersaryo ng BMP
(Ito ang mga isinulat na mensahe ng ilan sa mga dumalo sa anibersaryo ng BMP, batay sa ipinasa nilang papel, at tinayp sa kompyuter ni Greg Bituin Jr. Maraming nabigyan ng pinaikot na papel ngunit ang mga ito lang ang nakabalik at naipasa. Alam naming maraming nais magpahayag ng mensahe ngunit sa dami ng dumalo ay hindi nito maiisa-isa ang mensahe kaya sa pamamagitan ng sulat ay naipahayag nila ang kanilang pakikiisa sa ika-20 anibersaryo ng BMP.)

"Sa ika-20th anibersaryo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, ang sentro ng paggawa, ang mga manggagawa sa Gelmart Industries Phils. Inc. na kasalukuyang nakapiket ay pumupugay sa mga pinuno ng BMP. Ganundin mula sa Partido Lakas ng Masa Taguig Chapter ay bumabati sa BMP."
- Portia M. Ariesgado, secretary general ng Lakas Manggagawa sa Gelmart, at Chairperson ng PLM Taguig Chapter

"Isang maalab na pagbati sa ika-20 anibersaryo ng BMP!!! Nawa'y ipagpatuloy ang tunay na laban ng uring manggagawang Pilipino!!! Patatagin at itaguyod ang makataong paglilingkod sa ikauunlad ng tunay na laban ng uri!!! Mabuhay!!!"
- Mike B. Catli, Pangulo, ILS-FASU-SUPER

"Isang pagpupugay sa ika-20 anibersaryo ng BMP. Ang BMP ay nakilala bilang tagapagtaguyod ng karapatan ng mga manggagawa, tagapagtanggol ng mga inaaping manggagawa't mamamayan at tuloy-tuloy na nagsusulong at nakikibaka para sa paglaya ng manggagawa sa tanikala ng pagkaalipin at itayo ang sosyalismo! Kasama nyo kami sa labang ito!
- Roni Sabareza, General Secretary, MELF (Metro East Labor Federation)

"Isang mapagpalayang pagbati sa ika-20th anibersaryo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Ipagpatuloy ang ating pag-oorganisa. Patuloy na palakasin ang ating hanay para sa pagtatayo ng gobyernong kakalinga sa uring manggagawa. Mabuhay ang Bukluran!"
- Mao de Guzman, organizer, Teachers' Dignity Coalition (TDC)

"Maligayang bati at mabuhay ang 20 taong pagkakatatag ng BMP, ang patuloy na pakikipaglaban. Upang maipaglaban ang mga karaingan ng mga mamamayan ay isang kahanga-hangang gawain. Sa mga taong bumubo sa pamunuan ng BMP, nawa'y magkaroon kayo ng maayos na kalusugan at mahabang buhay upang patuloy na makapaglingkod. Mabuhay ang BMP."
- Dante G. Brillantes, Brgy. Ex-O Tanod, Brgy. 513, Zone 51, Sampaloc, Manila

"Magiging matatag ang BMP para sa laban ng uring manggagawa, dahil BMP lamang ang tutulong sa mga kinakaharap na problema ng uring manggagawa. Kaya tuloy ang laban para sa uring manggagawa. Palakasin at patatagin ang BMP at maging handa sa anumang kakaharaping mga pagsubok na darating pa dahil iyan ang responsibilidad ng BMP, at naniniwala ako na iyan ay magagawa at makakaya pagsama-sama at pagtutulungan ng BMP. Mabuhay ang uring manggagawa at BMP!"
- Bernie Bantang, staff ng BMP


Mensahe mula sa Teatro Pabrika

"Sana magkaroon ng komprehensibong programa ang BMP tungkol sa Teatro Pabrika upang ito'y mapalago pa. More power!
- Mar Laguna, mang-aawit at gitarista ng Teatro Pabrika

"Isang makabuluhan at makulay na 20 taong karanasan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino para sa lahat ng uring manggagawa! Pinagbuklod ng isang layunin, ng isang pangarap patungo sa isang lipunang makatao. Nanindigan, nakibaka para sa pagbabago!"
- Luz Pascual, mang-aawit ng Teatro Pabrika


Mensahe mula sa mga manggagawa ng Cosmic

"Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tulong ng BMP sapagkat kami ay nagkaroon ng kaalaman sa aming mga karapatan at karapatan ng kapwa manggagawa at mahirap."
- Rico Marcellana, presidente ng unyon sa Cosmic

"Pagbati sa ika-20 anibersaryo ng BMP!"
- Rommel Garrido, secretary ng unyon sa Cosmic

"Sa 20 yrs po ng BMP, sana po ay di kayo magsasawa sa paggabay sa tulad naming manggagawa."
- Joseph Amar, treasurer ng unyon sa Cosmic

"Sa 20 yrs anniversary po ng BMP, good health po sa mga namumuno. Maraming salamat po sa pagtuturo ng karapatan ng manggagawa."
- Roy Bacalso, Sgt. at Arms ng unyon sa Cosmic

"Sana huwag po kayo magsasawa sa pagtulong sa mga manggagawa. Happy anniversary! Maraming salamat!!!
- Silvestre Oaing Jr., auditor ng unyon sa Cosmic

"Ako bilang myembro ay lubos na nagpapasalamat sa inyo dahil minsan, kami po ay inyong natulungan. Sana po ay marami pa kayong matulungan. Happy 20th anniversary!
- Eduardo Dayon, member ng unyon sa Cosmic


Mensahe mula sa pamunuan at mga kasapi ng KPML-NCRR

"Iangat ang antas ng laban ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino at palawakin ang kasapian at kaalaman ng bawat leader at members, at isulong ang karapatang pantao at manggagawa at laban ng maralita, sapagkat ito ang ating pamamaraan upang makamit ang totoong sosyalismo."
- Glenly Mendina, acting president, KPML-NCRR

"Isang taos-pusong pagbati sa inyong dalawampung taong anibersaryo. Tuloy ang laban ng maralitang Pilipino."
- Arcy Rentoria, KPML Malabon

"Maligayang 20 taon sa BMP. Ipagpatuloy natin ang laban at sama-samang pagtulong para makamit ang sosyalismo."
- Ia Lee Bautista, KPML Malabon

"Ipagpatuloy ang paghikayat ng myembro at ipagpatuloy ang pagpapaliwanag para mas maunawaan pa ang adhikain ng bawat grupo."
- Marivi Tolibas, member, KPML

"Nais kong ipaabot ang taos-puso kong pagbati sa inyong ika-20 anibersaryo. Nais kong ipagpatuloy nyo pa ang hamon sa pagbubunyag ng di makatarungang lipunang umiiral sa bansa ngayon. At dahil dito sa mga ginagawa nating pagkilos, dumarami na ang mga namumulat sa lipunang di pantay. BMP, simulan nyo ang hamon sa gobyerno at pulitika, makikibahagi din ako para sa pagbabago. Mga kasama, mabuhay kayo!!!
- Janno ng KPML-ZOTO-PK (Piglas-Kabataan)


Mensahe mula sa pamunuan ng GPNAI (Gintong Pamana Neigborhood Association, Inc.) ng Catmon, Malabon

"Magandang gabi po sa mga namumuno at bumubuo ng BMP. Maligayang ika-20 anibersaryo sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino. Sana po lalong palaliman natin ang ating sinimulan at ipakita natin ang ating pagkakaisa laban sa lahat na mapagsamantala sa mga maralita, baguhin ang mga mali at katiwalian ng mga namumuno sa bayan, o mambabatas. Mabuhay ang maralitang Pilipino. Mabuhay ang BMP. Happy anniversary."
- Erlinda Doctora, leader, GPNAI

"Ipagpatuloy ang laban ng mamamayang maralita at manggagawang Pilipino at makamit ang minimithi ng mga maralita. Mabuhay ang BMP sa ika-20 taon ng walang sawa sa pakikibaka ng masa. Mabuhay ang sosyalismo."
- Ma. Cristina Lucenecio. leader, GPNAI

"Ituloy at pag-ibayuhin ang pakikibakang mapangmanggagawa. Patuloy nating palawakin at organisahin ang ating hanay para sa pagbabago ng ating lipunan. Mabuhay ang BMP sa ika-20 taon ng hindi matatawarang pakikibakang masa. Mabuhay tungo sa sosyalismo."
- Rodinie P. Cabeserano, secretary general, GPNAI


Mensahe mula sa mga kasapi ng Zone One Tondo Organization (ZOTO)

"Harapin ang mga problema sa pag-oorganisa ng mga manggagawa. Palakasin ang kaalaman at kapasidad ng mga lider ay myembro sa antas pabrika at komunidad. Isulong ang laban ng uri na may kumpyansa patungo sa sosyalismo."
- Butch S. Ablir, Executive Director, ZOTO

"Isulong at iparating sa kinauukulan ang hinaing ng walang pag-aalinlangan at may paninindigan!!!"
- Carolina (Bhabes) Delorino, Vice President - Internal, ZOTO-Tondo chapter

"Pagtibayin ang pakikibaka at pakikipaglaban ng buong puso't paninindigan na may totoong prinsipyong laging inilalaan."
- Gielda S. Mirabueno, General Secretary, ZOTO-Tondo chapter

"Ipagpatuloy ang pag-oorganisa para sa ating manggagawa at huwag itong bigyan ng problema ng ating bansa. Dapat ibalik sa lugar ang dapat sa ating mamamayan para di tayo nahihirapan at para na rin mamuhay tayo ng maayos at marangal."
- Annaliza Tuazon, member, ZOTO

"Ipagpatuloy ang pagkilos at magpalawak pa ng ating samahan. Bigyan ng pag-aaral ang mga leader ayons sa pang-sosyalismo na layunin."
- Vicky Gaite, auditor, ZOTO Caloocan

"Magsulong ng mga programa upang mapatibay ang mga paglaban, pang-ingay, pagkalampag sa mga problemang kinakaharap ng mamamayan at pagbigkisin ang mga kasaping org, na magkasuportahan sa laban. May budget man o wala, palakasin ang manpower sa mga nasasakupang LOs mass struggle."
- Jess Valdez, ZOTO leader, BASECO, Manila

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996