Philippine Movement for Climate Justice
34 Matiyaga St. Barangay Pinyahan, Quezon City 1100 Metro Manila, Philippines
Phone: +63.2.925.3036
Website: www.climatejustice.ph |Email Address: pmcj2012.sec@gmail.com
Isang maka-kalikasang pagbati mula sa Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) at isang mapagpalayang pagbati para sa ika-20 anibersaryo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)!
Ang PMCJ po ang isa sa mga nangungunang coalition na nagtutulak ng hustisya para sa klima sa ating bansa. Kami po ay isang koalisyon ng iba't ibang sector at political na bloke sa ating bansa.
Ang Hustisya para sa klima ay isang framework kung saan pilit tinitignan ang ugat ng problema sa usapin ng pagbabago sa klima. Ang GHG emissions ang pangunahing rason kung bakit merong pagbabago ng klima. Nagiging problema lang ang GHG emissions kung eto ay sumobra sa natural na level sa ating planeta at ang pagdami nito ay binuga ng iilang bansa, ang mga kapitalistang bansa tulad ng US, EU at Japan ang nanguna sa pagbuga nito kaya naman po tayo ngayon ay dumadanas ng mataas na pag-angat ng ating temperatura (global warming) at eto na ang nagtulak ng pagbabago ng ating klima.
Sa PMCJ, nakikita namin ang sanhi ng krisis sa klima ay hindi lamang isyu sa usapin ng kalikasan, hindi lang po ito usapin ng pagbawas ng ating mga basura at pagtanim ng mga puno, usapin po ito ng nakakapinsalang paraan ng pag-unlad ng global na sistema ng ating ekonomya. Eto ay usapin ng ano ba ang tamang sistema na magsasalba sa ating kalikasan, kabuhayan at ng ating buhay sa harap ng perwisyo bunga sa pagbabago ng klima.
Ang pagbabago ng klima ay hindi pwedeng maresolba na hindi pinapalitan ang sistemang pang-ekonomiya.
Kaya ang PMCJ ay nakikiisa sa inyong panawagan, pagtibayin ang critique sa kapitalismo “System Change, not Climate Change”.
Kaya ngayon po merong dalawang national na kampanya: emissions cut at resist coal and RE-energize all campaign.
Ang emissions cut ay isang kampanya para panagutin ang mga kapitalistang bansa sa pagbuga na napakaraming GHG emissions sa ating planeta. Nanawagan kami ng madaliang pagbawas ng kanilang usok dahil kung hindi sila ang magbawas, lalong lalawak ang epekto ng pagbabago ng klima sa Pilipinas. Eto po ay isang national na pagkilos upang palakasin ang kilusan na mananawagan ng “climate justice” at emission cut mula sa mga kapitalistang bansa.
Ang Resist coal, RE-energize all ay isang kampanya na magtutulak na pagpigil sa paggamit ng coal sa ating bansa sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga komunidad na apektado ng coal at sa pagtulak ng polisya na pipigil sa paggamit ng coal patungo sa malinis na paraan ng paggawa ng enerhiya o renewable energy.
Ang kampanyang ito ay hindi lang coal plants ang tinututukan, pati rin po ang mga coal mining. Sa pagdami ng coal plants sa ating bansa, darami rin ang coal mining dahil sa ang makabagong teknolohiya ng coal ay makakagamit na ng coal sa ating bansa.
Sa dalawang kampanya namin, nakuha namin ang malaking suporta ng BMP. Mula pa sa pagbuo ng aming koalisyon, ang BMP ang isa sa mga unang nagtaya para sa climate justice. Mula sa pagbuo ng matatalas ng analisis at sa pagkilos sa kalsada, kasama po namin ang mga manggagawa sa BMP.
Kaya napakalaking pasasalamat ang aming hinahandog sa inyo. Marami pong salamat, Mabuhay ang BMP!
Hustisya para sa klima!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento