Isang bukas na liham sa mga kasapi ng BMP sa kanilang ika-20 taong anibersaryo ng pagkakatatag
Isang maalab na pagbati ng pakikiisa!
Hindi ko alam kung paano ako magbibigay pugay sa patuloy na pagkilos ninyo upang isulong ang kilusang-paggawa. Matagal na akong hindi aktibo sa kilusang mapagpalaya ngunit sana pagbigyan nyo na ako na minsan pang maging bahagi nito sa ganitong paraan.
Sa paglipas ng 20 taon napansin ko ang paghina ng kilusang-paggawa. Minsan na akong naging bahagi ng Kagawaran ng Paggawa at kung pagbabatayan natin ang mga datos ng pag-oorganisa ng mga unyon di hamak na malaki ang ibinaba nito kumpara sa mga nakaraang dekada. Maaring sa puntong ito ay tingnan natin kung ano ba ang hamon ng kinahaharap natin sa pagbubuo ng unyon. Angkop pa ba ang mga dati na nating kinagawian? Kulang ba tayo sa pagpapakilala? O mas maiging tanong: may saysay pa ba ang pagtatayo ng unyon? Ang pagsagot sa huli ang magbibigay ng mas malinaw na perspektiba kung paano tayo magpapalakas bilang isang organisasyon.
Naniniwala ako na may saysay ang pag-o-organisa ng mga manggagawa. Maaring nababawasan na ang saysay ng unyon sa tradisyunal na pananaw pero ito ang hamon: paano pauularin ang kilusang-paggawa upang ito ay may saysay at halaga sa uring kanyang kinakatawan. The need to transform through innovative and creative means is the way to make unionism, in the short term, and the labor movement, in the long term, relevant to the workers themselves.
Gamitin natin ang kalayaang naibibigay sa ating kilusan ng kasalukuyang sistema. Kritikal sa ating pagkilos ang tamang intelehensya. Let us maximize and exploit the avenues of expression, sources of information and intelligence, and possible tactical alliances with groups willing to meet with our demands and/or we are willing to compromise with. Lahat ng ito’y kaparaanan na ating sunggaban at pagdamutan upang matulungan ang ating kilusan na maabot ang lahat ng sektor na kayang abutin.
Ngunit huwag din nating kalimutan na lalong paigtingin ang pagkapit sa ating mga prinsipyo para sa kapakanan ng mga manggagawa at laban sa kapitalismo. Huwag ding kalimutan na sa ating pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang grupo ang ating responsibilidad na akitin at gawing kasapi ang pinakamamagaling at mahuhusay mula sa iba’t ibang sektor. Pagtibayin din ang patuloy na pag-unlad bilang isang kasapi at organisasyon.
Sana sa mga susunod na panahon, ang BMP at ang partido ng paggawa ay hindi lamang simpleng alternatibo sa kasulukuyang sistema. Ito ang kailangan. Ito ang dapat.
Maraming salamat sa pagkakataong muling maging bahagi ng inyong organisasyon.
Para sa uri,
Judge Rosario “Jing” Orda-Caise
Dating KAMALAYAN NCR Vice-Chairperson
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento