Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!

Sosyalismo ang Lunas! Ibagsak ang mapang-api't masibang kapitalistang sistema! Manggagawa sa Lahat ng Bansa, Magkaisa!

Linggo, Setyembre 15, 2013

Mensahe ng Laya Sining sa ika-20 anibersaryo ng BMP

14 Setyembre 2013

Makauring pagbati sa mga kasama sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa inyong ika-20 anibersaryo.

Nagpupugay ang mga makauring artista sa ilalim ng LAYA SINING--Laban para sa Pagpapalaya at Pagpapayabong ng Sining--sa BMP na isa sa mga gabay namin upang mabuo ang isang samahan ng mga artistang may makauring kamalayan pagdating sa pagkatha ng sining.

Ipinagmamalaki naming maging katuwang ang BMP sa mga proyekto ng Laya Sining, na kinatatampukan ng Litratula, isang photo and poetry exhibit hinggil sa pang-araw-araw na pakikibaka ng mga manggagawa; ang Rock Against Political Dynasty na syang pangunahing kampanya ng BMP noong nagdaang eleksyon; at ang pagsama ng Laya Sining sa contingent ng Nagkaisa Labor Coalition, kung saan bahagi ang BMP, sa nagdaang Million People March kontra Pork Barrel. Sa nasabing kilos-protesta, naisahimpapawid ang theme song ng Laya Sining, ang “Amo ng Politiko” ni JR Prisno at Capone kung saan isinasalarawan kung bakit ang manggagawa ang siyang dapat mamuno sa lipunan.

Panata ng Laya Sining na lalong payabungin ang sining Pilipino nang may makauring kamalayan. Natatangi ang Laya Sining dahil ito ang kauna-unahang samahan ng mga artista na tangan-tangan ang sosyalistang pananaw gamit ang makabagong kultura, o pop culture sa ibang pananalita.

Mabuhay ang BMP at nawa'y sama-sama tayo sa pag-oorganisa, pagpapamulat, at pagpapakilos sa uring manggagawa. Naniniwala ang Laya Sining na ang manggagawa lang ang may kakayanang magpalaya ng sining, at ng lipunan.

Nagpupugay,


Merck Maguddayao
Katuwang na tagapangasiwa
LAYA SINING

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


May 1, 2013 rali

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Das Kapital published on 14 Sept 1867

Itigil ang Tanggalan!

Itigil ang Tanggalan!
Disenteng Trabaho para sa Lahat!

kagutuman sa kabila ng kahirapan

kagutuman sa kabila ng kahirapan

Mga tagasunod

Slam Evil, Slam Apec

Slam Evil, Slam Apec
November 1996